Thursday, October 22, 2015

Ang Aming Masigasig na Pakikilahok at Bolunterismo


Pangkat: 3
Mga Miyembro:
Gacilan, Evan Lanz
Mantos, Engelbert
Peralta, Carl Angelo
Bagasala, Marsha
Castronuevo, Reina
Dela Cruz, Racel
Olimpo, Sophia Nicole
Pardines, Kristine

Introduksyon:

             Ang bawat miyembro sa aming pangkat ay may kanya-kanyang likas na talento at kakayahan. Mayroon din kaming iba't ibang paraan kung paano namin ito gagamitin. At sa pamamagitan ng aming pakikilahok at bolunterismo, ito ay aming napayabong at nahasa. At higit sa lahat kami rin ay nakatulong sa aming kapwa at sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

A.



B.
1. Ano ang boluntaryong gawaing inyong isinagawa?
           Ang boluntaryong aming ginawa ay ang paggamit ng aming mga talento sa iba't ibang paraan para makatulong sa aming kapwa.

2. Saan ito isinagawa?
         Isinagawa namin ito sa iba't ibang organisasyon at samahan na aming sinalihan.

3. Bakit ito ang napiling gawin?
          Dahil ito ang isa sa mga paraan upang kami ay makatulong sa aming kapwa at para na rin mahasa ang aming angking kakayahan.

4. Sino ang mga natulungan?
           Ang mga mamamayan na mas nangangailangan ng tulong.

5. Bakit mahalaga ang inyong ginawa?
         Dahil bukod sa napaunlad namin ang aming mga kakayahan at ang aming pakikihalubilo sa iba, kami rin ay nakatulong upang maisakatuparan nila ang kanilang layunin para sa kabutihang panlahat.

6. Ano ang inyong natutunan (Maglahad bawat miyembro)

"Sa paglahok hindi lang ibang tao ang nakikilala ko pati na rin ang sarili ko, nalalaman ko ang aking mga kakayahan na dapat pang linangin." -Evan Lanz Gacilan

"Natutunan ko na ang mga tao ay 'di lamang gumagawa para sa kanilang sarili kundi sila ay nakikilahok para sa ikabubuti ng lahat at para na rin masunod ang mga kinakailangang mangyari na dapat ay tama at mabuti." - Engelbert Mantos

"Natutunan ko na ang paggawa ay isa sa mga daan upang makamit ang kabutihang panalahat. Natutunan ko rin na sa pamamagitan ng pakikilahok at bolunterismo, napupunan ng bawat isa ang pagkukulang ng kapwa." -Carl Angelo Peralta

"Ang pagtulong sa iba na walang hinihinging kapalit ay kapalit ng kasiyahang maibibigay mo sa iyong sarili. Dahil ang paggawa o ang pagtulong sa kapwa ay hindi lamang pansariling kabutihan kung 'di sa karamihan. Naging masaya ka na, nakatulong ka pa." -Marsha Bagasala.

"Ako ay nakatulong ng libre at nakapagpapasaya ng walang bayad na pera" -Reina Marie Castronuevo

"Ang aking mga talento at ang aking pakikipagkapwa tao ay ang pinakanalinang at yumabong nang husto nang ako ay lumahok at nagbolunterismo sa isang organisasyon sa aming paaralan, ang Supreme Student Government (SSG). Bukod doon ay nakatulong din ako sa kanila upang maisakatuparan nila ang kanilang programa at mga proyekto." -Racel dela Cruz

"Natutuhan ko na kahit kailan, mangangailanga't mangangailan ang mga tao ng mga tutulong sa kanila sa bawat aktibidad na gagawin at sa bawat pakikilahok ay makakamit natin ang kabutihang panlahat." -Trishia Macaraeg

"Kapag ikaw ay nakilahok, unahin dapat ang nakararami kaysa sa iyong sarili. Kapag tayo'y nakilalahok, kailangan ito'y bukal sa ating puso't kalooban. Hindi dapat laging inuuna ang sarili." -Sophia Nicole Olimpo

"Ako ay nakatutulong sa pagkamit ng tagumpay ng iba't ibang institusyon" -Kristine Pardines



:)

1 comment:

  1. Nice one.alam nyo guys ang mabuting gawa ay may gantingpala Sakit.info

    ReplyDelete